ewan ko noon kung tama ba
mas mabuti pang manahimik nalang
pero dito sa peyups ko unang nalaman
ang tinig ng estudyante ay kelangan
paano tayo uunlad
kung walang maghahayag ng mali?
paano tayo matututong ipaglaban
ang karapatang sa ati'y hinawi?
nakikita ko ang bansang naghihirap
at ang iba'y wala nang ginawa
nabulag na ba tayo sa katotohanang
hindi tayo naging maunlad?
marami din ang todo welga
di na inisip sarili nila
pero may punto din sila
bayan kanilang inuuna
sino pa ang kikilos
kung di natin sisimulan?
sino pa ang tutulong sa atin
dito sa malaking problema ng bayan?
KILOS KABATAAN
HABANG MAY PANAHON KA PA!
TAYO ANG PAG-ASA NG BAYAN
PARA SA KAUNLARAN AT KINABUKASAN!
No comments:
Post a Comment